Japanese ‘Multo’ cover na inilapat sa isang Japanese anime opening , aprubado ng music and anime fans

Nagpa-senti at nagpahanga ang isang Japanese cover ng “Multo” ng Cup of Joe.

Dahil sa ganda ng beat at melody, naisipan ng content creator na si Kit de Gala na gawan ng naiibang cover ang “Multo” ng “Cup of Joe” kasama ang Japanese artist na si Hachi Joseph Yoshida.

Kilala si Kit sa Facebook at YouTube para sa kanyang malulupit na guitar covers pero ngayon, naisipan niyang makipag-collab para magawa ng Japanese version ang No. 1 theme song mga taong may relapse.

Bukod sa lyrics, may adjustment din sa atake kaya’t nagkaroon ng anime rock vibe ang kanta. Nang ginawa pa nila itong opening ng anime na “Anohana: The Flowers We Saw That Day” ay lalong lumutang ang kanilang areglo.

Aliw naman ang mga fans ng anime dahil tungkol nga rin ito sa isang literal na multo. May iba pa nga na na senti nang maalala ang panonood ng series.

“Literal na multo pero yun din ang plot twist hahaha”

“Ang multo ko is what if YuYu Hakusho ginamit mong Anime HAHAHAHA. Sobrang angas ng rendition na to!”

“Grabe iyak dyan, literal na multo”