Japan at South Korea, paboritong travel destinations ng Pinoy millennials at Gen Z

Ayon sa Travel Pulse survey ng Klook, ang Japan at South Korea ang mga lugar na pinaka-bet na pasyalan ng mga Pinoy millennials at Gen Z.

Ang Japan at South Korea ang nangunguna pa rin sa travel bucket list ng mga Pinoy millennials at Gen Z, ayon sa resulta ng Travel Pulse survey ng Klook.

Sa pag-aaral na ginawa noong Nobyembre 2023, napag-alaman na 61% na mga kabataan ang nais puntahan ang Japan, at 37% naman ang bet na pasyalan ang South Korea. May 2,600 respondents ang nasabing survey.

Patok rin ang domestic spots (36%) sa mga tursistang napapabilang sa mga henerasyon na ito at sumunod naman ang Singapore (33%), ulat ngĀ ABS-CBN News.

Sa parehong survey, napagalaman din na 64% ng millennials at Gen Z sa Asia Pacific region at 66% na mga Pinoy sa parehong market ang nagtaas ng kanilang travel budget para sa 2024. Willing rin ang mahigit sa kalahati sa kanila na gumastos ng hanggang 50% sa kanilang holidays.

Ang naging batayan ng 59% ng mga millennial na Pinoy at Gen Zs para piliin ang kanilang travel destinations ay ang nature at outdoor adventures, 53% ang theme parks, 51% ang museums at historical sites, 45% naman ang nagsabing uniqueness ng destinasyon.

“It’s no longer just a journey; it’s the embodiment of a new love language — shared experiences,” sabi ni Klook COO and co-founder Eric Gnock Fah sa isang pahayag.

“As we move past the pandemic and era of revenge travel, we observe a transformative shift in travel dynamics. Travel has become an essential outlet, offering individuals the chance to connect genuinely with themselves, their loved ones, and the world around them,” dagdag pa niya.