Jake Ejercito, ibinida ang pagka-nonchalant ng kanyang anak na si Ellie

Relate ang mga magulang ng mga teenagers sa pagiging nonchalant ng mga kabataan at sa tagal nitong mag-reply pag parents ang nag cha-chat.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Laugh trip na naman ang netizens sa pinakabagong screenshot ng usapan ng mag-amang Jake Ejercito at ng kanyang anak na si Ellie.

Paano naman kasi, nagpadala si Jake ng reaction sa huling picture ng kanyang anak at sinabing ang ganda nito at manang-mana sa kanya.

Ang resulta? Deadma. Kaya naman ibinahagi na lang ni Jake ang kanyang saloobin sa social media at sinabing umaasa pa rin siyang magre-react ang kanyang unica hija sa kanyang message within 24 hours.

Relate naman ang mga magulang ng mga nonchalant teenagers sa post ni Jake.

“Haha waley pakey ang daughter sa compliment mo daddy”

“Haha relate much, ganyan na ganyan anak ko minsan 3days bago mag reply”

“So funny dad”

“yung anak ko pag may chat ako tagal iseen .. minsan naseen n tgal nmn replyan pero dun s gf nya .. ‘ K’ LANG chat ang dami nya pang reply”