Laganap talaga ang mga scams, maging online o sa text messages. Kaya naman kumikilos na ang Department of Education (DepEd) at Securities and Exchange Commission (SEC) para protektakahan ang mga estudyante at out-of-school youth laban sa mga mapanlinlang na modus.
Naglagda kamakailan ng kasunduan ang dalawang ahensya para turuan ang mga kabataan kung paano mag-ipon, gumastos, mag-budget, at mag-invest ng tama.
Ayon sa ulat ngĀ PhilStar.com, magbibigay ang DepEd at SEC ng online information materials at web-based training programs para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa tamang paghawak ng pera.
Sa kasunduang pinirmahan nina Education Secretary Sonny Angara at SEC Chairperson Emilio Aquino, tututukan ng SEC ang mga investment scam sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kahina-hinalang negosyo, pag-monitor sa mga ito at pag-report sa mga investment-taking activities na nagaganap sa jurisdiction ng DepEd.
Hindi lamang mga estudyante at out-of-school youth ang nais protektahan ng DepEd at SEC, pati na rin ang mga guro ay sinisigurong mailalayo sa mga scammers.