Sa dami ng mga bagyo sa Pilipinas kapag typhoon season, minsan napapaisip na lang ang karamihan na kung pwede na lang sanang dalhin ang bahay sa paglikas sa ligtas na lugar.
Para kay Francis Amoroso, o mas kilala bilang si Antet, maging sa kanyang pamilya, hindi problema ang disgrasya dahil ang kanyang Bahay Jeep ay maaaring ilipat sa mas ligtas na lugar sa oras na mabalitaan pa lang niya ang parating na sakuna.
Ani ng misis ni Antet, ito ang isang advantage ng kanilang Bahay Jeep dahil bukod sa kaya nilang makalibot sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang mobile home, hindi na nila kailangan pang mag impake tuwing sila ay aalis dahil dala na nila ang mismong bahay kada biyahe.
Matatandaang natupad ni Antet ang kanyang pangarap na bumuo ng mobile home noong 2023 matapos makabili ng pampasaherong jeep na kanyang na customize tulad ng mga mobile homes sa Amerika na may sariling tulugan, lutuan, at kung ano-ano mang pangangailangan sa bahay at sa biyahe.
Praktikal nga naman!
(Courtesy: Facebook.com/bahayjeep)
“Isang Araw gagawin ko din Yan idol”
“Nice set up madam”
“It’s good for those who love to see the world and enjoy travel. In digital world can make few to live from place to place but not as better as when you are in place with your own.”