It’s the love that counts! Civil wedding, naging aesthetic at budget goals ng iba pang couples

Kahit simple ang naging kasalan ay naging maganda ang kinalabasan ng isang civil wedding.

Pinatunayan ng isang couple na kahit isang simpleng civil wedding ay kayang maging aesthetic.

Sa post ng bride na si Maria Micaela Trinidad-Suzara, pinasilip niya ang video at mga larawan ng naganap nilang kasalan ng kanyang hubby na dinaluhan ng iilang malalapit na pamilya at kaibigan.

Nakasuot ng formal suit ang groom habang ang bride naman ay nakasuot ng simpleng puting dress para sa kanyang wedding day. Mula sa kanilang wedding shots, hanggang sa hindi maburang ngiti ng magsing-irog, ramdam ang saya ng lahat ng mga tao, na siya ding nagpa good vibes sa mga neizens.

 

Marami tuloy nagtanong kung magkano ang nagastos ng couple sa kanilang kasal dahil mukhang na-inspire din sila na mag intimate wedding na lang. “mas ramdam ko pag civil wed dahil konti at mga importanteng tao lang talaga ang invite mo lahat makakausap at mawewelcome mo di din kayo masyado pagod at less gastos basta masaya kahit civil wed lalo na kung pinaghirapan nyo yun para mairaos” “Ssbi nila,it’s the marriage not the wedding” “Every wedding (civil or church, modest or luxurious, etc) is beautiful when both parties are in truly in love… Stay and keep in love… Congratz and best wishes…”