‘It’s Showtime’ kids, makikipagkulitan sa bagong bersyon ng ‘Goin’ Bulilit’

Pasok sa line up ng bagong Goin’ Bulilit ang mga It’s Showtime kids.

Matapos magpabilib sa akitingan sa kanilang segment sa “Its Showtime,” ang mga cute na cute na sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen and Kelsey ay makikipagkulitan na din sa cast ng bagong version ng “Goin’ Bulilit.”

Kinumpirma ng ABS-CBN ang balita na nagpasaya sa maraming fans ng noontime show.

“Hindi ko pa sila nami-meet pero alam kong magagaling sila. Maganda ‘yan kasi masasalihan natin ng ibang bata na magaling talaga,” ani Direk Bobot Mortiz na siyang creator ng programa.

Panoorin ang ilang pasiklaban ng talent ng mga “Showtime” kids.