It’s more fun in the Philippines! Mga Pinoy, nag-jetski, tubing at swimming sa mataas na baha

Hindi na kinailangan ng mga Pilipinong ito na mag Boracay o Siargao dahil ginamit nila ang mataas na baha para mag-enjoy na parang nasa malaking water park.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Maparaan talaga ang mga Pilipino lalo na sa pag e-enjoy, tulad na lang ng nangyari sa kasagsagan ng bagyong Carina kung saan nalubog sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila at maging sa mga karatig probinsiya. Ang solusyon ng mga Pinoy, mag-water activities sa matas na tubig na parang nasa isang malaking water park. Tipid pa!

Hindi na kinailangan ng mga Pinoy na bumiyahe papunta sa Cagayan de Oro para mag-tubing dahil ang magto-tropang ito, nag-tubing sa rumaragasang tubig gamit ang interior ng gulong at ilang salbabida. Astig!

Para naman sa mga nag-invest sa pagbili ng jetski, time to shine na nang gamitin niya ang kanyang jetski para libutin ang mga kalsada ng Binondo sa Maynila. Lupet!

Siyempre mayroon din namang mga naisipan ding mag-swimming sa underpass na nagmistulang malaking pool sa taas ng baha. Nagpasiklaban pang mag-tumbling at diving. Naks! Pang Olympics yarn?