It’s a prank! Umaakting na doggie, nakapameke at nagpa-rescue sa kalsada

Hindi inakala ng isang mabuting Samaritan na wala naman palang injury ang isang asong nakahilata sa kalsada at ni-rescue pa ito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit na pagod na sa trabaho, minabuti pa din ni Jonas Ynares, direktor ng International Development and Special Programs ng University of Rizal System na tumulong para maibsan ang trapiko sa kanilang lugar.

Pero hindi naman niya akalain na siya ay magiging biktima ng prank ng isang asong humanbalang sa gitna ng kalsada na para bang nasagasaan.

Yun lang nga, nang marescue na niya ito at nilapag sa sidewalk, kumaripas naman ito ng takbo. Napagtanto niya na wala naman pala itong injury at type lang tumambay sa gitna ng kalsada.

“Driving nako pauwi galing work. Akala ko injured yung aso. Todo effort ako and all ilagay sa gilid kasi kawawa naman baka masagasaan. Tapos bigla naman tumawid din pagka lapag ko sa kanya sa side walk hahahaha drama ha,” paglalahad niya.

Natawa naman ang mga netizen sa kalokohan ng aso.

“Okay yung aso Sensei iba ang trip sa gitna ng daan tumambay”

“Best actor, kitang-kita na tumawid din pagka lapag ko sa kanya sa side walk hahahaha di naman pala injured!”