Itlog ng manok, bigger and better ngayong mas malamig na ang panahon

Size ng mga itlog ng manok lumalaki na dahil tapos na ang mainit na panahon.

Pang breakfast of champions na ang mga itlog na mabibili sa suking tindahan dahil mas lumalaki at dumadami na ulit ang mga itlog ng manok sa bansa.

Ikinatuwa ngayon ng egg producers ang pag-improve ng size ng mga itlog ng manok dahil lumalamig na ang panahon.

Ayon kay Egg Board president, Francis Uyehura, inaasahan na rin na lalaki rin ang kita ng mga farmers dahil sa development na ito.

Para sa hindi nakakaalam, malaki ang epekto ng matinding init ng panahon sa mga manok. Mas humihina ang gana nila sa pagkain kapag nagaapoy ang temperatura sa bansa, at dahil konti ang kanilang kinakain, maliliit rin ang kanilang mga itlog.

“Malaki po ang improvement sa pagtaas ng feed intake pag ganitong [malamig ang] panahon,” ayon kay Uyehura sa ulat ng ABS-CBN News. “Parang tao lang din na pag mainit, mahina kumain, pag malamig, mas malakas kumain,” dagdag pa niya.

May sapat rin na supply ng itlog hanggang sa susunod pa na mga buwan, ayon sa opisyal.