Islay Bomogao, prinaktis ang iba’t ibang game face sa TikTok bago harapin ang kalaban sa ONE Championship

Nagbigay aliw si Pinay Muay Thai fighter Islay Erika Bomogao sa kanyang training para sa gagamitin niyang 'tiger look' sa kanyang pre-fight faceoff.

Pagdating sa kanyang mga laban sa ONE Championship, kayang-kaya ni Pinay Muay Thai fighter Islay Erika Bomogao na pakabahin ang kalaban, pero sa TikTok, iba ang kanyang vibe.

Sa video, pinapakita ni Islay ang iba’t ibang “game face” niya para sa pre-fight faceoff nila ni Nerea Rubio ng Spain. Mula sa mga seryosong ekspresyon hanggang sa mga halos sablay na mukha, todo-praktis siya para sa tamang look.

“Them: ‘You don’t look scary’, ‘You’re always smiling’.
Me: …. I tried,” ang caption ni Isay sa kanyang video.

@i.slayerika Them: “You don’t look scary”, “You’re always smiling”… Me: …. I tried 😂🙌✌🏼 #muaythai #onechampionship #onelumpinee #sportsontiktok #islay #onelumpinee111 #TeamPhilippines #faceoff #weighin #teambagsik ♬ original sound – i.SlayErika

Sa huli, makikitang maayos naman ang game face na nagamit ni Islay kahit na tila sablay ang kanyang mga pinraktis. Wagi din siya sa laban kay Nerea sa isang first round TKO sa paghaharap nila sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.