Matapos maikwento ni Councilor Mikee Morada ang pinagdaanan nila ng kanyang asawang si Alex Gonzaga tungkol sa pagkawala ng ikatlo nilang baby ay hindi napigilan ng asawa ni Boss Toyo na si Love Jhoy na makisimpatya.
Aniya, bago dumating ang kanilang munting anghel na si Toyo Liit, nagkaroon din siya ng mga problema sa kanyang reproductive organs at ilang doctor din ang nagsabi na never na siyang magkakaanak.
Nakunan din siya ng isang kambal at sumailalim sa masakit at magastos na IVF procedures para matupad ang pangarap maging ina.
Ani Lovejoy, mapalad siya at naging very supportive ang kanyang asawang si Boss Toyo sa kanilang journey.
“Nun nagkasakit ako at nawalan ng dalawang anak, kinapitan ko lalo ang GOD. Sabi ko alam ko madaming nagdadasal sayo pero nakikita mo ang puso ko! Gawin mo po ulit akong ina. Hindi nya ko binigo binigay nya sakin si Toyo Liit ,” aniya.
Ipinagdasal niya din ang mga katulad nila ni Alex na nawalan ng mga naak pero hindi nawawalan ng pag asa na maging isang ina.