Hindi man siya pumasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT), determinado ang vlogger na si Toto Maguan Olilo, na mas kilala sa internet na “Sabak Queen,” na bumawi na lang sa susunod, salamat sa suporta ng kanyang mga magulang.
Malaking tulong sa pag-move on niya ang suporta ng kanyang mga magulang matapos itong mabigong pumasa sa Septemer 2023 LEPT. Nilabas ng Professional Regulation Commission ang resulta ng exam noong Dec. 8.
Sa katunayan, ng ibinalita niya sa kanila na hindi siya pumasa, akala ng mga magulang niya ay pina-prank lamang niya ang mga ito. Pero kalaunan, pinagaan naman nila ang kanyang loob dahil may next time pa naman.
“BAWI LANG SUNOD LAVAN (laban) LANG…,” sabi ng kanyang ina.
Imbes na maging malungkot, inaliw pa niya ang mga netizens sa pagkanta ng mga Christmas carols sa kanyang latest videos.
“Bahala na kahit wala sa listahan ng LET ang importante ay masaya at patuloy pa rin ako sa pagbigay ng kasiyahan sa inyo)
LOVE YOU ALL,” saad ni Sabak Queen, na taga Malapatan, Sarangani, sa kanyang Facebook post.
Binati din niya ang kanyang mga kaklase at mga kaibigan na licensed teachers na.
Pinalakas naman ng mga netizens ang loob ni Sabak Queen.
“Keep trying, when the time is right, God will make it happen
,” komento ng isa.
“Laban lng po, sir!
Everything is God’s will.
May next time pa po!
,” sabi naman ng isa.
May mga netizens din na nakarelate sa kanyang sitwasyon.
“I feel you atong (noong) pag first take nako (ko). Still congratulations for your hardwork and doing your best as you can. Padayon lang gihapon (Patuloy labg). Keep trying. Ayaw (Huwag mag) surrender.
There’s always a PERFECT TIME for us,” sabi ng isa.
“I feel u kapasar pero nakapsar ko 5th take koh (Ako pumasa ako sa 5th take ko) laban lang,” saad naman ng isa.