Isama na sa movie marathon! Filipino horror film na ‘In My Mother’s Skin’ mapapanuod na sa Amazon Prime sa darating na buwan

Pwede nang isama ng mga mga horror fans ang “In My Mother’s Skin” sa kanilang horror movie marathon sa darating na Undas.

Matutunghayan na ng mga Pinoy ang award-winning indie horror film na “In My Mother’s Skin” simula sa Oktubre 12 sa Amazon Prime Video, na sumakto para sa paparating na Halloween at Undas.

Saktong-sakto para sa movie marathon sa mahabang bakasyon ang pelikulang idinirihe ni Kenneth Dagatan, na unang nakilala sa kanyang Hollywood horror film na “Ma.”

Mula nang unang ipalabas ang “In My Mothers’s Skin” sa Sundance Film Festival, nakaikot na ito sa 10 pang international film festivals kung saan ito humakot ng papuri mula sa audience at kapwa filmmakers.

Dahil dito, umani rin si Dagatan ng nominasyon sa Mulberry Award for Best Screenplay sa Udine Far East Film Festival. Nakatanggap din ito ng nominasyon para sa New Visions Award for Best Motion Picture sa Sitges Film Festival.

Ang pelikula ay umiikot sa pamilya ng isang mangangalakal na iniwan ang kanyang pamilya sa dulo ng World War II upang makipagkasundo sa mga Hapon para sa kanilang kalayaan.

May ilang pamilyar na mukha din sa cast ng pelikula tulad ni Beauty Gonzales, Jasmine Curtis-Smith, at Felicity Kyle Napuli (Maria Clara at Ibarra).