Introducing Mrs. Beast! Mr. Beast, engaged na sa long-time girlfriend

Nag-propose na nga ang most followed YouTuber ns si Mr. Beast sa kanyang longtime girlfriend na si Thea Booysen.

Imbes na panibagong papremyo o malaking challenge ang pasabog ng YouTuber na si Mr. Beast sa pagsismula ng 2025, isang kakaibang milestone ang kanyang ibinahagi sa kanyang mga followers.

Sa kanyang post sa kanyang social media accounts, inanusyo niya na nag-propose na siya sa kanyang longtime girlfriend na si Thea Booysen sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Maswerte namang naging yes ang sagot ni Thea kay Mr. Beast, na ang tunay na pangalan ay Jimmy Donaldson.

Umulan naman ng pagbati mula sa kanyang followers ang post ni Mr. Beast, kahit may ilan na nagbiro na baka may challenge din ang pagsagot sa kanya ng kanyang fiancée tulad nang ibang katanungan na kanyang ginagawa sa kanyang channel.