Internet connectivity para sa lahat ng Pinoy, matutupad na!

Mga malalayong lugar sa bansa magkakaroon na ng mabilis na internet connection sa pamamagitan ng Philippine Digital Infrastructure Project ng gobyerno.

Inaprubahan na ng gobyerno ang flagship digital infrastructure project ng National Economic and Development Authority (NEDA) para masolusyonan ang kakulangan sa access sa teknolohiya at internet ng mga Pilipinong nakatira sa mga liblib na lugar.

Layon ng Philippine Digital Infrastructure Project na maagapan ang “digital divide” dahil mas mapapabilis pa nito at mapapalawak ang connectivity sa bansa.

“Broadband services have already opened up numerous opportunities for Filipinos, from work-from-home arrangements to digital access to critical public and private services,” ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, popondohan ng World Bank ang proyekto na ito na nagkakahalaga ng Php 16.1 billion sa pamamagitang ng isang loan.