Magiging mas produtibo at inspirado pa ang mga kasapi ng intelligence (Intel) office ng Visayas Command (VisCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Apas, Cebu City dahil sa glow-up na natanggap ng kanilang opisina sa tulong ng Pusong Filinvest ng Filinvest Land Inc. (FLI).
Kamakailan lang, isang trak ng furniture ang ipinadala sa VisCom headquarters sa Camp Lapulapu sa Apas.
Sa ulat ngĀ SunStar Cebu, si John Paul Escario, FLI assistant vice president and area general manager sa Cebu, ang mismong nag-abot ng donasyon.
Ang mga furniture na ito ay mula sa dating model house ng FLI sa Corona del Mar sa Talisay City. Hindi it ang unang pagkakataon na nagbigay ang FLI ng donasyon, dati nang tumulong ang kumpanya sa 53rd Engineer Brigade ng Philippine Army na naka-base sa Camp Lapulapu.