Instant rakista!!! Mga Pinoy na pasahero ng barko, sabay sabay bumirit ng ‘Kisapmata’ sa barko

Sabayang bumirit ng “Kisapmata” ang mga pasahero ng isang barko nang simulang buksan ang videoke.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Walang umatras sa mga pasahero ng isang barkong papunta mula Iloilo hanggang Guimaras ng buksan ang videoke sa barko at pinatugtog ang sikat na kanta ng Rivermaya, ang “Kisapmata”

Ibinahagi ng pasaherong si Albee Ann Serevo ang kanyang karanasan ng biglang buksan ng isang crew ang videoke sa TV at nagsimula na ngang umawit ang mga tao. Aniya sa isang panayam ng Philippine Star, kahit medyo mainit sa kanilang area dahil marami sila, hindi na ito ininda ng mga pasahero na nalibang na sa sabayang pag awit.

Nainggit naman ang ibang mga commenters sa mga ganap sa barko at sinabing sana ay ganung klase din ang kanilang masakyan at ganoon din kasaya ang kanilang mga kasabay sa byahe.