Isang 51-anyos na hardinero ang pwedeng maging instant billionaire dahil siya ang napusuang maging tagapagmana ng nakakawindang na yaman ng fifth-generation heir ng fashion dynasty na Hermès.
Ayon sa mga ulat, pinatawag na ni Nicolas Puech, ang 80-anyos na inapo ni Thierry Hermès, ang kanyang abogado upang ayusin na ang mga papeles para sa pagtatalaga ng kanyang dating hardinero at handyman bilang karapat dapat na tagapagmana ng kanyang yaman.
Si Thierry Hermès ay ang French businessman na nagtayo ng sikat na sikat na luxury design house noong 1837 sa Paris.
Hindi man isiniwalat ang pangalan, ngunit ayon sa Swiss publication na Tribune de Genéve, ang hardinerong ito ay mula sa simpleng Moroccan family at may asawa mula sa Spain at may dalawang anak.
Single at walang anak si Nicolas kaya nais niyang ampunin ang kanyang dating hardinero para maipasa sa huli ang kanyang maiiwan na yaman kapag siya’y pumanaw na.
Kapag naproseso ang legal adoption nito, mamanahin nito ang kalahati sa kabuuang yaman ni Nicolas, kasama na rito ang mga properties sa Marrakesh, Morocco at Montreux sa Switzerland na nagkakahalaga ng $5.9 million. Tinatayang nasa $11 billion (Php641 trillion) ang kabuuang yaman ni Nicolas.