Imbes na fantasy, naging horror! Mga Pinoy, aliw sa ‘fairy walk’ trend sa mga gustong maging Diyosa tulad ni Anne Curtis

Aliw at katatwanan ang dulot ng mga nag-iibig maging diyosa tulad ni Anne Curtis sa Siquijor.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi sinasadyang nagkaroon ng fairy walk trend sa Siquijor dahil kay Anne Curtis kung saan hawak lamang ang isang handle na nakakabit sa puno ay pwedeng umikot sa isang sapa at magtampisaw na tulad ng isang diwata.

Ang problema nga lang, kahit na mistulang napakadali nito nang si Anne ang gumawa ay napakahirap pala nitong magawa ng mga ordinaryong nilalang. Kaya’t imbes na fantasy ang genre ng trend na ito ay nagmistulang horror reel ito para sa mga Pinoy.

Kaya naman ngayon, napakaraming netizens ang nag-u-upload ng kanilang mga palpak na attempts bilang mga mortal at hindi diwata na tulad ng “It’s Showtime” host.

Merong nagmistulang Tarzan ang peg

May mga kabogera din na pang RuPaul level ang awrahan.

Merong level buwis-buhay

At meron din namang tanggap na ang katotohanan na si Anne Curtis lang ang nag-iisang Diyosa.

Mukhang enjoy naman ang mga Pinoy sa bagong trend na ito kaya’t may bago silang gagawin pag sila ay magawi sa Siquijor.