Ilonggang PWD, nag-uwi ng 10 parangal sa WCOPA!

Hinangaan ang isang Ilonggang PWD sa taglay nitong galing sa pag-awit sa WCOPA.

Nagpabilib sa galing at talento sa pagkanta ang mga Pinoy na kalahok sa 27th World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach, California, at isa na dito si Moira Claire Tan na naghakot ng sampung parangal mula sa kumpetisyon.

Hinangaan si Moira, na taga Iloilo City, hindi lamang dahil sa ganda ng boses nito kundi pati sa kanyang positibong pananaw sa buhay dahil hindi niya hinayaang maging hadlang ang kanyang kapansanan para maabot ang kanyang pangarap.


Dumagundong ng palakpakan ang venue sa bawat birit ni Moira kagaya na lamang nang kinanta niya ang “Who’s Loving You” ng Jackson 5 kahit na nakaupo ito sa wheelchair.

“I started this journey with a dream to perform outside the country and even though I never joined singing competitions I TRIED. Went to the auditions alone without any family and friends on site not expecting anything and guess what? I passed!” saad ni Moira sa kanyang Facebook post.

Naiuwi ni Moira ang mga medalyang ito sa Vocal Category Age Group 25-29: Finalist Medal, Semifinalist Medal, Champion of the World Division Winner – Gospel, Champion of the World Division Winner – Rock, Champion of the World Division Winner – R&B, Vocal Contemporary – Bronze, Vocal Gospel – Gold, Vocal R&B/Soul/Jazz – Gold, Vocal Rock- Gold.

Nasungkit rin niya ang The New York Conservatory for Dramatic Arts Summer Scholarship na nagkakahalagang $1,000.