Aliw na aliw ang mga dog lovers sa internet matapos ma-witness ang kakaibang ugali ng asong si Bella na may konting karamutan pagdating sa kanyang mga gamit, kahit pa ang kanyang kuya na niya ang mismong humihiram.
Ayon sa kanyang mga amo, ayaw talaga ni Bella na may humihiga sa kanyang unan kaya naman pilit niyang pinapaalis ang kanyang amo sa kanyang pwesto.
Nang tanungin naman siya ng kanyang furmom kung ano ang kailangan niya, tumahol din ito at tila nagsusumbong para maghanap ng kakampi, lalo na ng inasar pa siya ng kanyang kuya na ayaw umalis sa higaan.
Nang umalis na ang nakaharang matapos niyang i-kiss ang kanyang kuya, kusa din niyang kinuha ang kanyang unan at pumuwesto na ng higa.
“Wow galing. Huwg kasing gamitin sa kanya Yan hehehehe so adorable”
“Kakatuwa nmn”
“Yung unan daw kasi nya nanjan ni kuya jan sumikat si Bella sa unan nya kasi alam nya nan ginagamit ang unan nya ni kuya.”