Isang bistro sa Nueva Ecija, may GCashier doggo na, may meownagers pa!

Bukod sa masarap na pagkain, dinadayo ang isang bistro sa San Jose City, Nueva Ecija dahil sa kanilang mga cute staff members.

Bentang-benta sa customers ng Tikya Garden Bistro sa San Jose City ang kanilang Gcashier na si Popoy, isang cute aspin na pwedeng pagbayaran ng bill gamit ang QR code. Pero bukod sa furbaby na tumatanggap ng buto ng bulalo bilang tip, marami rin palang CAT-ropa si Popoy na “staff” ng resto.

Tulad na lamang ni Balong, ang antuking tindero:

At ang tuxedo cat na si Bruce na tumatayong meownager ng resto:

Bukod sa mga masasarap na pagkain, hitik ang post ng Tikya Garden Bistro sa Nueva Ecija ng mga pictures at videos ng kanilang masasayang customer habang nakikipagkulitan sa mga cute na furbabies on duty na ang main function ay siyempre, magpasaya ng kanilang mga parokyano.