Igiling-giling! 3 tech-voc students sa Baguio, nakalikha ng disensyo ng makinang gigiling sa mga plastic waste

Nalikha ang imbensyon matapos makita ng mga mag-aaral mula sa Cordillera School of Industry and Technology Education sa Baguio City ang oportunidad na tugunan ang problema sa basura at sa kakulangan ng upuan sa mga silid-aralan.

sang plastic shredder ang nalikha ng mga mag-aaral ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Baguio City na makakatulong sa pagtugon ng mga lungsod at bayan sa lumalalang problema sa basura.

Ginawa ng mga mag-aaral ng Cordillera School of Industry and Technology Education (CSITE) ang design ng plastic shredder bilang bahagi ng kanilang requirements para makatapos sa programang Mechanical Engineering Technology.

“We thought of developing a plastic shredder project as a requirement in our Research subject in class, which is needed before we graduate,” sinabi ni Joseph Toctocan ll sa isang panayam ng Philippine News Agency.

Kasama ni Joseph sa grupo na lumikha ng design sina Gybson Lee Bagtang at Mark Jayvee Sotelo.

“We thought that if we can make this work, we might be able to help solve the garbage problem, specifically on plastic waste,” dagdag pa ni Joseph.

Magagamit ang giniling na plastic para gawing filament at maging silya pang silid-aralan.

Ayon kay Joseph, ilalapit na nila sa Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang disenyo para magawa ang makina at masubukan ang kapasidad nito.

Sa ginawa nilang analysis at assessment, kakayanin ng makina na dumurog ng plastic waste gamit ang 10,400 psi, o katumbas ng lakas ng tubig na binobomba ng 10 pressurized washers.

“It is quite expensive to produce the machine and we cannot afford it. We were advised to seek the help of the DOST,” paliwanag ni Joseph.

Umaasa naman ang estudyante na mapapakinabangan nila ang disenyo para pagkakitaan ang kanilang imbensyon.

“The scholarship is not just about acquiring skills. As a student, you also have to do your part and show that you are worth it. TESDA also refers its graduates to companies for employment and I am hopeful,” aniya.