If it scares you, do it! Fans, humanga sa kakaibang parenting style ni Beauty Gonzalez

May kakaibang paraan si Beauty Gonzalez para lumaking matapang ang kanyang anak na si Olivia – sinasabayan niya ito na gawin ang mga adventures.

Humanga ang mga fans ni Beauty Gonzalez sa kanyang paraan ng pagpapalakas ng loob ng kanyang anak para lumaki itong matapang.

Kung ang ibang magulang ay may tendency maging overprotective sa kanilang mga anak, si Beauty naman ay kabaligtaran. Sinasamahan pa niyang gawin ang mga adventures kasama ang kanyang unica hija tulad sa pagtalon sa dagat ng walang life vest.

Sa video, makikitang sabay tumalon sa dagat ang mag-ina at walang katakot-takot na nag-treading si Olivia kasabay ng kanyang mommy.

“Break free from everyday. If it scares you, do it!” ani Beauty sa kanyang caption. Proud na proud din siya sa matapang niyang baby girl.

Na excite naman ang mga fans sa next adventure ng mag-ina.

“Dive in Cebu next time.. with whale sharks, sardines, turtles or even the very elusive and rare thresher sharks…”

“Love this”

“Try freediving next time”