Idinamay pa ang tatay! SEVENTEEN fangirl niyakag ang ama sa unboxing ng K-pop merch

Tuwang-tuwa ang mge netizens sa reaksiyon ng isang ama na pinilit isama ng kanyang mga anak sa photocard reveal ng kanilang SEVENTEEN album.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kadalasan ang problema ng mga magulang at anak ay ang hindi nila pagkakaunwaan tungkol sa pagiging fangirl lalo pa sa mga K-pop idol.

Hindi batid ng mga magulang kung bakit nagpapakagutom ang kanilang mga anak para makabili lang ng mga merch ng kanilang mga idolo, lalo na at mga banyaga pa ito.

Kaya naman naisipan ng CARAT na si Youko na isali ang kanyang ama sa pag unbox ng mga photocards mula sa nabili nilang album ng SEVENTEEN (SVT)  dahil nga swertihan din ang makakuha ng mga rare cards na pwedeng kolektahin o ibenta sa mas mahal na halaga.

Ani Youko sa panayam ng Inquirer, nung una ay gusto lang naman nilang tignan ang reaksiyon ng kanilang ama habang “pinipintahan” ang mga photocards na parang baraha.  Pero nung bandang huli ay tila natuwa na din ito sa reaksiyon nila, lalo na’t parang may swerte ang kanilang tatay na nakakuha ng cards nila DK, Jeonghan, Wonwoo, at Minggyu – ilan sa mga pinaka in demand na photocards mula sa batch na ito.

@youkodc making our dad unbox our first (1 of 4) 17 is right here album dear ver. @SEVENTEEN legal na tayo sa ama ko!! ps. no dads were harmed in the making of this video, pero sumakit tenga niya pps. @CNA Philippines thank you sa pagpapauwi ng mga mag-jowa 🫶🏼 #seventeen #carat #17isrighthere #seventeenbestalbum #scoups #jeonghan #joshua #jun #hoshi #wonwoo #woozi #the8 #mingyu #dokyeom #seungkwan #vernon #dino ♬ original sound – uri yoo
“he really said “NUGAGAWEN????” “o sige bitaw! bitaw!” hahahaha😭” “He’s judging you so hard 😭” “ang swerte ng kamay ni father” “PLSS THE PUSHINGGGG 😭😭😭”