Who needs energy drinks? Ito ang tugon ng mga Gen Z na mahilig sa sports kaya’t naisipan nilang gawan ng isang nakakatuwang ad ang paboritong pampalamig ng kabataang Pinoy – ang ice tubig.
Sa kanilang viral ad, kuhang-kuha ng content creator na It’s IVAN ang mga sangkap ng sikat na ads para sa mga energy drinks. May naglalaro ng basketball, napapagod, at nagha-hydrate.
Benta naman ito sa lahat ng nakaranas na mailigtas ng ice tubig mula sa pagkapagod matapos ang isang pangmalakasang game ng basketball, volleyball at kung ano-anong sports maging sa totoong court man or maging sa kanto lang.
Humanga din ang mga netizens sa pagkakayari ng ad na dinaig pa ang gawa ng ibang mamahaling advertising company sa camera work at editing.
“Swabe yung camera works sa cross-over ah. Nice!”
“Naalala KO Non mga 2010 Yan Lang Pustahan namen sa basketball paduguan pa Ng nguso, para Lang sa ice tubig”
“Galing defrost is the best hahahah”
“Originated in the Philippines”
“kalawang flavor is the best”