Natawa na lamang ang ilang Pinoy na kahit tapos na ang halalan ay may nag-iikot pa rin sa mga kalye ng Maynila na may malakas na speaker at campaign jingle. Ito nga ang nasaksihan ng content creator na si Kevin Punsalan nang maispatan ang “kampanya” ng ang aktor na si Jake Cuenca na tumatakbong mayor ng Maynila sa “Batang Quiapo.”
@kevinpunsalan Akala ko campaign period pa lol #fyp #batangquiapoofficial #batangquiapo ♬ original sound – Kevin Punsalan
Nang ma-realize na hindi naman ito bahagi ng totoong kampanya, nag-stargazing na lang si Kevin ng mga Kapamilya stars sa motorcade kabilang na si Angel Aquino at Andrea Brillantes.
Nilaro naman ng ilang netizens na nakapansin na kahit malaki ang gastos ng ABS-CBN para sa eksena, tila tinarantado naman ang itsura ni Jake sa tarpaulin. Ang iba naman ay nakisakay na lang sa biruan.
“Diba po tapos na election? Bakit ngayon lang po sila nangangampanya?”
“sorry ngayon lang naka cp, diba tapos na election bat may nag rarally?”
“bat naman ganun yung picture ni Jake Cuenca sa tarpaulin😂😂😂”
“yung campaign pic ni jake HAHAHAHAHAHAH”
“bat huli yung election sa ibang lugar?”
“kala ko talaga tumatakbo rin sila😭 taping lang pala HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA”