Inilarawan bilang isang napakaganda at makulay ang ” ibong Adarna” sa isang kwento sa aklat. At mukhang ang fictional na ibong ito ay hindi nga nalalayo sa Philippine Trogon (Harpactes ardens) o ang bird species na iniuugnay sa “Ibong Adarna.”
Naispatan ang ibong ito sa Mount Apo Natural Park (MANP) kamakailan at dalawa pang magkaibang species ng squirrel.
(Jeoff Goze/FB)
Ito naman ang unang pagkakataon na nakita ang Mindanao Tree Squirrel (Sundasciurus mindanensis) at sa pangalawang pagkakataon ang Philippine Pygmy Squirrel (Exilisciurus concinnus).
Ayon sa monitoring ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Soccsksargen, nadokumento nila noong nakaraang buwan lamang ang kanilang encounter sa apat na klase ng Philippine Trogon, na unang namataan sa lugar noong nakaraang taon, at sa mga squirrel.
Ayon sa DENR, itinuturing na “species of least concern” sa ilalim ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) ang Philippine trogon, pero pinapahalagahan pa rin nila anya ito.
“It holds immense cultural and ecological significance within the Mt. Apo Natural Park and throughout the region,” ayon sa DENR Region XII sa ulat ng Philippine Star.
“The Obo Monuvu people, custodians of Mt. Apo’s ancestral lands, have long revered the bird species as a symbol of their connection to the environment,” dagdag pa ng DENR Region XII.
(Anything and Everything/FB)