‘Ibigay ang hagdan!’: Jennica Garcia at mga anak, nakalipat na sa bagong condo

Umulan ng good vibes sa balitang nakalipat na sa condo si Jennica Garcia at kanyang mga anak.

Nagpa-good vibes ang naging balita ng aktres na si Jennica Garcia dahil nakalipat na sila ng kanyang dalawang anak sa isang condo na may hagdan pa.

Sa isang interview ni ABS-CBN reporter MJ Marfori, masayang ibinahagi ng “Saving Grace” star na aprub na aprub sa kanyang mga anak ang kanilang nilipatang lugar. Aniya, ang mga anak niya ang namili ng lugar dahil gusto daw ng mga ito na may hagdan ang titirahan.

@mjmarfori #fyp #JennicaGarcia new goals unlocked matapos makalipat sa mas malaking bahay para sa mga anak. Panuorin si Jennica sa #SavingGrace #SavingGraceTheUntoldStory simula March 3 sa TV5. @DreamscapePH #showbiz #entertainmentnewsph ♬ original sound – MJ Marfori|CelebrityInterviews

“Nung nakita nila ‘yung hagdan, sabi nila, ‘Nanay, gusto namin ng may hagdan.’ Gusto niyo ng hagdan? Ibigay ang hagdan!” aniya.

Naging masaya ang mga fans para kay Jennica na ilang taon pa lang ang nakakalipas ay umaming nagi-guilty siya pag siya ay nag-te-taping ng may aircon ang tent samantalang ang mga anak niya ay naka electric fan lamang dahil hindi pa niya afford mapalitan ang kanilang lumang aircon sa bahay.

Naging bukas ang aktres sa kanyang mga struggles sa pagiging single mom lalo nang maghiwalay sila ng asawang si Alwyn Uytingco noong 2021.

Binaha naman ng positive comments ang interview ni Jennica.

“Nakaka happy si Jennica Garcia ❤ so authentic and genuine. sya dapat yung parating bini bigyan ng projects ng mga execs at network. sana more blessings pa for her coz she deserves it”

“eto nepo baby anak ng artista na nagsumikap on their own pa rin. Salute.”

“gusto niyo ng hagdan? ibigay ang hagdan” shotek pano ka namin di mamahalin?? 😭✨”

“hindi ko naman sya kamag anak pero ang saya saya ko for her. napaka refreshing to know napaka humble and genuine ng joy nya”