Ibang grow a garden pala: Plantita but make it Roblox na eksena ng magtiyahin, maraming naka-relate

Natawa na lang ang mga millennial titas sa eksena ng isang plantitang inakalang magtatanim sila ng kanyang pamangkin sa likod bahay pero sa cellphone lang pala.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Natawa na lang ang mga netizens sa isang tita moment na shinare sa Klasik Titos and Titas of Manila tungkol sa isang legit na tiyahin na inakalang mag ga-gardening sila ng kanyang pamangkin. Iyon naman pala, isang Roblox game pala ang pinatutungkulan nito.

Sa OP ni @‌Itsloveyyhey ibinahagi niya ang kanyang lutang moment kung kailan na excite siya nang yayain siya ng kanyang pamangkin na mag-grow a garden. Natuwa naman siya, aniya dahil magandang exposure at exercise din ito para sa kanila kaya niyaya niya na ang kanyang pamangkin na maglinis ng kanilang backyard.

Naloka siya nang magtaka pa ang kanyang pamangkin dahil ang pinatutungkulan pala nito ay isang sikat na game sa Roblox na “Grow a Garden,” at hindi aktwal na pagtatanim sa likod-bahay.

Agad naman naka relate ang mga millennial titas na may Gen Z at Gen Alpha na pamangkin.

“Same! My daughter said, ‘Mommy, let’s grow a garden.’ Ang sagot ko, ‘Ay sorry anak, hindi talaga ako plantita. Si Grama ask mo mahilig sa halaman yun.’ Hahaha”

“Farmville kasi naabutan natin hahahahah”

“Napilit ako one time tas ngayon adik nalang ako sa grow a garden”