Iba pa din ang klasik! ‘Voltes V’ theme song, paborito pa din ng mga Pinoy

Hindi pa din bumibitaw ang mga Pinoy sa kanilang paboritong “Voltes V” kahit dekada na ang itinagal nito sa ere.

Kahit naglabasan na ang mga bagong usong anime theme songs, iba pa din ang dating ng “Voltes V” theme song para sa mga Pilipino.

Sa katunayan, kahit tila umusad na ang taste ng mga anime fans pagdating sa musika, loyal na loyal pa din ang mga Pinoy sa “Voltes V” opening theme kahit dekada na ang nakakaraan mula nang sumikat ito.

Sa isang survey ng Asahi TV, kapansin-pansin sa mga na interview na mula sa Pilipinas na consistent ang naging sagot ng mga Pilipino pag sila ay tinatanong ng kanilang paboritong theme song. Sa katunayan, matatagpuan din ang “Voltes V” theme sa mga suking videoke dahil kahit walang lyrics ay kabisado ng mga Pilipino ang Japanese lyrics nito.

Kamakailan lamang ay gumawa din ng live action version ng “Voltes V” ang GMA-7 na nagpabuhay sa interes ng mga Pinoy sa klasikong anime na ito.