Iba ka,Taylor! Barn animals, umindak sa ‘The Eras’ concert at naging instant Swifties

Pinatunayan ni Taylor Swift na ang kanyang appeal ay hindi lang sa tao, kundi sa mga alagang hayop din.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May kakaibang style ng pagpapakalma ng kanilang mga alagang hayop ang Don’t Forget Us Pet sanctuary sa US na nagbigay saya sa mga mahihilig sa hayop.

Ayon sa OP, palagi niyang iniiwan ang TV para magpatugtog ng music sa kanilang barn para ma-entertain ang kanyang alagang tupa na si Kiki.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mukhang natagpuan nito ang kanyang paboritong artist. Walang iba kundi si Taylor Swift!

Nakunan pa ng OP na umiindak ang tupang si Kiki, samantalang ang iba pa niyang kasama sa barn na manok, kambing at mga pato ay nakinood at nakikinig na din sa kanya. Humaling na humaling din sila sa performance ni Taylor sa kanyang “The Eras” tour na mapapanood din sa ilang streaming platform sa Estados Unidos.

Iba talaga ang hatak ni Taylor.