Wagi si Kapuso star Sanya Lopez (bronze champion) bilang Best Supporting Actress sa 2024 TAG Victorious Awards sa Chicago para sa kanyang natataging pagganap bilang Teresita sa “Pulang Araw.”
Napili si Sanya mula sa mga ibang nominado dahil sa markang naiwan niya sa mga manonood sa kanyang epektibong pagganap sa Philippine period drama na umere sa GMA at Netflix.
Ang TAG Victorious Awards ay isang annual event na inorganisa ng Filipino-American community sa Chicago para parangalan ang mga achievements sa entertainment at media.