Iba ang dog-skarte! Aso, kinabiliban ng netizens dahil sa diskarte nitong magpalamig sa gitna ng init ng panahon

Isang Belgian Malinois ang dumiskarte ng pampalamig sa gitna ng init ng araw matapos lumublob sa isang malaking banga na puno ng tubig.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi exempted ang mga hayop sa mga nakakaramdam ng sobrang init na panahon. Maging mga aso ay may iba-ibang diskarte para makapagpalamig lang ng katawan at hindi ma-heat stroke.

Sa video na pinost sa Facebook ni Nescel Borines, makikita ang isang Belgian Malinois na dahan-dahang sumampa sa isang banga na puno ng tubig.

Dahan-dahan, lumublob ang aso sa banga kahit hindi niya alam gaano ito kalalim.

Matapos ang ilang segundong umikot-ikot sa loob ng banga, mukhang refreshed na refreshed ang aso sa kakaiba niyang diskarte.

(Courtesy: Nescel Borines/FB)

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa talino at diskarte na pinakita ng aso laban sa mainit na panahon.

“Init na init Ang aso”

“Hahah so cute”

“pag angat mg ulo. Presko na haah and kala ko d makaahon ee hahahaah”

“Enjoy ahay subrahan gid kainit”