I-set na ang movie date! Jolina Magdangal at Marvin Agustin, may ultimate loveteam comeback sa pelikulang ‘Ex Ex Lovers’ para sa Valentine’s Day

Hyped ang mga batang 90s sa Marvin-Jolina reunion film na "Ex Ex Lovers" na ipapalabas sa Pebrero 12.

Siguradong isa kang legit na batang 90s kung alam mo gaano kasikat ang love team nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Mapa-pelikula, TV commercials, o teleserye, panalo sa mga fans ang tambalan ng dalawa dahil sa kanilang natural na chemistry.

Fast forward naman sa 2024 at magkakaroon ng reunion movie sina Marvin at Jolina na pinamagatang “Ex Ex Lovers” at ipapalabas ito sa February 12.

Hindi naman maitatanggi ang excitement na dala ng reunion film sa mga Batang 90s.