Laugh trip ang mga netizens sa isang post ng content creator na si Justin Luzares na kahit na mga engkanto at tikbalang ay umaaray na din sa tindi ng presyo ng mga bilihin.
Sa kanyang skit, ipinakita ni Justin ang pag-uusap ng isang tikbalang at kapre na nakakapagtakang hindi na nagtatabako.
Ani ng kapre, sobrang mahal na din kasi ng presyo ng yosi ngayon dahil sa sin tax kaya tigil na din sya sa kanyang bisyo.
Patok naman ang skit sa mga netizens:
“Lahat apektado ng inflation 🤣”
“Super witty!!!! Love it, more maligno pa po , ibang batch naman ng mga encanto, pakisali manananggal po next time😂”
“Smart na din sila eh hahaha”
“Buti di pa umaasa ang mga maligno sa 4Ps at ayuda ng gobyerno. Pag nagkataon, hahaba ang pila. Wala bang Vicco Sotto sa mundo ng mga engkanto? 😅”