‘I exist!’ Nawawalang “anak” ni Juan Luna, lumutang!

Nakiuso ang isang netizen sa trending na mga pasabog tungkol sa mga second family at nawawalang anak.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nadamay pa ang bayaning artist na si Juan Luna sa trend ngayon kung saan naglalabasan ang mga matagal nang nananahimik na second family nang isang ka-look alike ng pintor ang lumantad at nagsabing siya ang nawawalang anak nito.

Sa post ni Ramil Torres Ramos sa grupong Homepaslupa Buddies 4.0, sinabi niyang bilang “anak” ni Juan Luna at 39 taon siyang nanahimik kaya’t ito na ang panahon para siya ay “lumantad”. Aniya, karapatan din niyang makilala.

Bilang resibo ng pagiging “anak” ni Juan Luna, naglagay din si Ramil ng side by side photos nila ng kanyang “ama.”

Suportado naman si Ramil ng mga kapwa netizens na sumang-ayon sa kanilang pagkakahawig ng kanyang “daddy.”

“Ung bigoteng may sariling buhay ahahhahha”

“Hoy empoy galing mo talaga mag patawa”

“Tigilan mo ko. Baket ksama ka ba namen nung ginawa to?? Dka daw kilala ni papa.”

“Kung tatay mo si Juan Luna, 124 years old ka na ngayon”

“Di mo kami maloloko moymoy palaboy”