Huwag mambarat! Chef, inispluk kung ano talaga ang binabayaran ng kliyente sa mamahaling cakes

Inisa isa ng isang chef ang mga expenses para sa isang special cake.

Isang baker ang nakiusap sa mga customer na bigyan ng halaga ang kanilang effort at skills sa kanilang hanapbuhay imbes na magbitiw ng mga hindi magandang mga salita kapag namamahalan sila sa presyo ng kanilang gustong cakes.

Ani baker, hindi lamang ingredients ang binabayaran sa paggawa sa cake kundi, ang mga kinakailangang pasobra para kung magkaroon ng pagkakamali o aksidente. Pasok din sa binabayaran ang oras ng labor para sa paggawa ng cake, bukod pa sa oras ay perang kanyang ipinuhunan para gumaling siya sa kanyang craft.

Aniya, deserve ng mga kabaro niya ang makatuwirang presyo para sa kanilang expertise. Wala naman daw namimilit na mag-order sa kanila kung hindi naman talaga kaya ng budget.

Agree naman ang mga netizen sa sinabi ni Chef:

“This is true sa costing. Thank you Chef.”

“This is true kaya sana ang mga client wag na humihingi nang discount..sobrang ma trabaho po talaga..then yun iba dyan sobrang baba pa nang price isipin nyo ang taas na nang mga ingredients ngaun..salamat po chef. Permission to share. Thank you po.”

“thank you Chef.akala lng iba mahal ang cake pero d nila”

“alam ang daming dapat iconsider..”