May isang paalala si Arshie Larga para sa kanyang mga kapwa content creators: Use your clout wisely, lalo pa sa panahon na napakaraming oportunidad na kumita ng pera sa kanilang hanapbuhay.
“To my fellow creators, pahalagahan natin ang community na ating na-build. Huwag tayong papasilaw sa pera. Ang pera ay kikitain pa natin PERO ang tiwala ng mga tao sa atin ay mahirap makuha o maibalik sa oras na ito’y ating sinira. LET’S BE RESPONSIBLE CREATORS AND USE OUR CLOUT WISELY!” wika ng pharmacist at medical information advocate sa kanyang speech.
Aminado si Arshie Larga na hindi nya inakalang siya ang mag-uuwi ng award bilang Content Creator of the Year para sa taong 2023 gayong napakaraming sikat na nominado para sa karangalang iyon.
Aminado din siya na hindi niya inakala na magtatagal ang tatlong taon at mananatili siyang relevant gayong napakaraming trends na makikita sa TikTok sa araw-araw. Ngunit ang kaniyang pagtitiyaga na gumawa ng educational content tungkol sa mga gamot at maging sa trabaho ng mga katulad niyang pharmacist ay nagbunga ng pagkilala mula sa TikTok Awards.
@arshielife Anong magandang gamot sa ubo? Anong klaseng ubo ba ang meron ka?😷 #learnontiktok #tiktokskwela #healthtokph ♬ original sound – Arshie Larga
Pinasalamatan ni Arshie ang kanyang mga supporters at followers sa patuloy na pagtangkilik sa kanyang content. Aniya, ang mga donasyon na kanyang natanggap ay ginamit din niya upang makatulong sa mga nangangailangan tulad ng pagbibigay ng libreng gamot sa mga taong hindi kayang bumili nito.
“Ang award na ito ay hindi lamang para sa’kin, kundi para din ito sa ating mga donors na pinagkakatiwalaan ako ng kanilang pera. Naging daan lamang ako para ang inyong donations ay makarating sa mga taong karapat-dapat na matulungan,” aniya.
“I promise to keep on creating educational, entertaining, and inspirational videos para sa inyo. To my fellow creators, pahalagahan natin ang community na ating na-build,” pangako niya.