Para sa celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young, malaking treat para sa kanila na kunin silang mag-asawa para mag-host ng isang event. Pero ayon kay Mikael, kalakip nito ang kanyang role bilang “stage” husband.
Aniya kahit na napakapropesyunal ng kanyang asawa sa entablado, batid din niya na hindi madali para dito na mababad sa ilalim ng spotlight habang binabasa ang kanilang mga linya lalo pa at kadalasan ay makakapal at mabibigat ang suot nitong gowns.
Kaya naman bilang supportive hubby, tanggap naman niya na bahagi ng kanyang role ay ang pagiging walking electric fan para sa kanyang asawa, na malugod niyang ginagawa.
Aprub naman sa mga fans ang pagiging thoughtful ng Kapuso star kay Megan.
“Cutie nyo Po”
“one of the kapuso couple that i admire so dearly”
“So supportive Mikael to his beautiful & witty wife Megan Young Daez”
“Such a lovely couple. Now we know why bones finally found the right and best man”