Lahat ba ay handa na? Ang OG oppa ng Pilipinas na si Lee Min Ho ay darating sa Pilipinas nitong Oktubre upang dumalo sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng SM sa SMX Convention Center.
Ayon sa teaser na ipinalabas ng kumpanya, nakatakdang lumipad patungong Maynila and kanilang “good guy” para sa gaganaping event sa Oktubre 15.
Sinabi din ng SMDC na maglalabas sila ng mechanics para makakuha ang mga fans ng eksklusibong ticket sa gaganaping pagdiriwang. Sa ngayon, ay wala pang gaanong detalye na ipinalabas tungkol sa mga events patungkol sa oppang unang nagpakilig sa mga K-drama fans sa seryeng “Boys Over Flowers.”
Bukod sa “Boys Over Flowers” Korean version, pumatok din si Lee Min Ho bilang leading man sa mga seryeng tulad ng “City Hunter,” “Personal Taste,” “Legend of the Blue Sea,” at “The King: Eternal Monarch.” Huli siyang napanuod sa Apple TV drama na “Pachinko” kung saan umani siya ng papuri sa kanyang kakaibang pagganap.
Si Lee Min Ho ay official endorser ng SMDC mula pa ng Marso ng taong ito.
OUR ‘GOOD GUY’ IS ON HIS WAY
The countdown begins. Join SMDC as we celebrate SM’s 65th anniversary with Korean Superstar Lee Minho live in Manila!
Stay tuned to find out how to score exclusive invites to this unforgettable event. pic.twitter.com/cjkY4wxnot
— SMDC (@TheOfficialSMDC) September 6, 2023