Huli pero hindi kulong! Live seller bumenta sa netizens dahil sa kalokohan, hindi dahil sa paninda

Nabuking na nga ay sige pa rin ang pangangatwiran ng isang live seller na nagdulot ng saya sa mga netizen.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mahirap talagang lumugar kung ikaw ay may utang at hinahanting ng iyong pinagkakautangan. Ito ang leksyon na natutunan ng isang live seller na natunton ng kanyang kumare habang nagbebenta ng laruang dinosaurs online.

Imbes na ang mga produkto ang bumenta sa mga nanunuod ng isang live selling ay ang palitan ng live seller at isang commenter na sumisingil sa utang ang naging tampulan ng usapan matapos magsagutan ang dalawa habang naka live.

Una munang sumulpot ang isang comment na kumompronta sa live seller tungkol sa pangako nitong pagmbabayad sa utang. Sinagot naman ito ng seller na kaya nga siya nagbebenta ay para kumita ng ipambabayad.

Mamya-maya naman ay ang TL naman ng live seller ang nag message at nagsabing nagpaalam ang seller na masama ang pakiramdam nito kaya’t hindi ito pumasok. Kumambiyo naman ang seller at sinabing kaya naman siya rumaraket at pandagdag kita sahil mababa ang rate sa call center.

Samu’t saring mga makukulit na mensahe pa ang natanggap ng live seller, pati tampuhan ng kanyang mga magulang, na hindi na halos nakapagbenta dahil sa dami ng bilin.

Panuorin ang mga hanash sa videong ito: