‘Huli pero di kulong!’: Blooper ni Karen Davila sa ‘TV Patrol,’ nagpatawa ang madlang netizens

Blooper ng beteranong newscaster na si Karen Davila huli sa camera; mga kasama sa TV Patrol nang-dogshow.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Huling-huli, hindi lang sa CCTV, kundi ng lente ng camera ang blooper ng co-anchor ng TV Patrol na si Karen Davila na nagpatawa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho pati na rin sa madlang netizens.

Paano ba naman, nakunan ang batikang broadcaster na tumatawid sa likod ng co-host niyang si Noli de Castro habang nagbabalita ang huli.

Sa post sa X ng isang netizen na si Ray, makikita si Karen na dahan-dahang dumadaan sa likod ni Kabayan ngunit tiyempong siya ang nagbabalita. Nasa gitna na siya ng frame ng ma-realize niyang nakunan siya ng camera bago siya dali-daling bumalik sa kanyang pinanggalingan.

“Huli pero ‘di kulong ang karen davila,” komento ng netizen.

Hindi naman ito pinalampas ng kanyang mga kasamahan sa TV Patrol na sina Kabayan, Bernadette Sembrano, at Alvin Elchico.

Sa isang hiwalay na post sa X ng isa pang netizen, makikita naman si Bernadette na pabirong lumakad sa likod ni Karen habang nagsasalita ito. Ganun din ang ginawa ni Kabayan nang magkunwari itong eexit sa frame bago matapos ang newscast.

“Sorry po kanina at naging white lady ako sa likod ni Kabayan… Hindi ko sinasadya yun. Nangyayari po ang bloopers, hindi ako nag-iisa,” ayon kay Karen.

Laughtrip naman ang dala sa netizens ang viral moment ni Karen sa TV Patrol: