Huli man daw at magaling, nag No. 1 pa din! ‘Last Christmas’ humataw sa charts matapos ang 39 na taon

Inabot man ng halos apat na dekada, nakamit na din ng WHAM! ang No.1 position sa chart para sa “Last Christmas.”

Kapag may tiyaga, may nilaga. Ito ang pinatunayan ng awiting “Last Christmas” ng WHAM! na inabot ang 39 taon bago umabot sa No. 1 ng music charts.

Ayon sa isang report ng Official Charts, ang Christmas hit na pinrodyus at isinulat ng namayapang si George Michael noong 1984 ay patuloy na pumapalo sa record charts kada taon ngunit hindi nakukuha ang pinakaaasam na No. 1 spot.

Ayon sa report ng Official Charts, nitong 2023 ay nakamit na sa wakas ng WHAM! ang titulong No. 1 kahit inabot na ito ng halos apat na dekada para magawa ito. Nagtala ito ng 13.3 milyong streams sa loob ng isang linggo – ang pinakamataas na bilang ng streams sa Christmas week.

Bukod sa record na No. 1, nakamit din nito ang record para sa longest ever journey to the UK Christmas Number 1.

Sa isang video, sinabi ni Andrew Ridgeley na matutuwa si George Michael na kanyang kasama sa bandang WHAM! sa pangyayaring ito kahit ito ay pumanaw na.

“Last Christmas has finally ascended to the much-cherished and sought-after Official Christmas Number 1, which was always the main goal. George would be beside himself [that] after all of these years, [we’ve] finally obtained Christmas Number 1. Yog [George] said that he wrote Last Christmas with the intention of writing a Christmas Number 1. It’s mission accomplished!” ani Andrew.