Hindi man nakapag debut last year para sa kanyang 18th birthday, hindi pa din nawala ang milestone para kay Ryza Mae Dizon nang sorpresahin siya ng mga dabarkads ng isang bonggang selebrasyon na may matching cotillon at 18 roses pa.
Sa isang episode ng “EAT Bulaga!,” nagulat ang dalaga nang biglang may naglabasang mga dancers na nakasuot ng gown at suit. Humabol din ang isang PA na may idinikit na skirt ng ballgown sa kanyang outfit.
Maya-maya lamang at isa-isa na siyang inalayan ng rosas ng mga dabarkads boys para mabuo ang kanyang 18 roses. Niregaluhan din siya ng kanyang mga kasamahan ng mga meaningful gifts para sa kanyang kaarawan, kabilang na dito ang picture na kasama si Adres Muhlach na galing sa kakambal nitong si Atasha.
Nagsenti naman ang mga legit dabarkads na nanonood ng “EAT Bulaga!” mula pagkabata ni Ryzza.
“Ganyang magalaga ang TVJ at buong D’BARKADS… the best tlaga..”
“Bat naiiyak ako happy birthday Ryzza Mae”
“Happy birthday Ryzza!!! How time flies. Dalaga ka na. God bless you.”