Good vibes ang dala ng video ng isang alagang aso na si Cholo habang sinesermonan ng kanyang fur mom na si Pauline.
Paano ba naman, kinuha nito ang ham na pang almusal sana ng kanyang fur mom.
Sa TikTok post ni Pauline, makikita ang kabadong mukha ni Cholo matapos siyang mahuling mang-nenok ng pagkaing hindi naman para sa kanya.
“Sayo ba yung almusal? Nakapatong lang sa lamesa kinuha mo naman!” madidinig na sabi ni Pauline. “Hindi na kita bibigyan ng dog food mo ha! Yun na pagkain mo hanggang gabi! Ham pa pala gusto mo ha!”
“Gusto mo pamigay na kita? Ha?! Pamigay na kita!”
Habang sinsermonan, bakas sa mukha ni Cholo ang pagiging guilty at kaba sa maaring parusa ng kanyang fur mom sa kanya.
“Nagising kami na busog na sya. Pinag breakfast nya sarili nya,” caption pa ni Pauline.
@paulinersn_ Nagising kami na busog na sya. Pinag breakfast nya sarili nya 😆 #fyp #dogsoftiktok ♬ [Animals and dishes] Cute BGM – Sound Owl
Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa eksena ni Cholo at Pauline, at may mga nagbigay pa ng sarili nilang mga dialogue.
“🐶: mama wag mo ko palo ha, wag moko palo mama ha”
“🐶: busog na ko sayo na lang po ung dog food ko”
“wag moko palo Mama ha.”
“sige na exchange nalang tayo sayo nalang yung dog food”
“🐶: kasalanan ko bang hindi nyo po tinakpan”