Huli ka, balbon! Alagang pusa na inumaga sa pag-gala, nagbigay aliw sa internet

Katatawanan ang dala ng video ni netizen Ryan Tobias tampok ang kanyang pusang huling-huli na galing sa layasan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng uploader na si Ryan Tobias kung saan na hulicam ang kanyang pusa na dahan-dahan pumapasok sa bahay mula sa galaan.

Sa Tiktok video na pinost ni Ryan, kitang-kita na umaga na ng umuwi mula sa layasan ang kanyang alagang pusa.

“POV: INUMAGA NANG UWI YUNG PUSA MONG NAGBIBINΑΤΑ” sabi ni Ryan.

Aliw pa ang caption ni Ryan na tila ginagaya ang paboritong linya ng mga magulang sa mga anak.

“Uwi paba yan ng matinong pusa?” sabi ni Ryan.

@definitelynotryannn_ Uwi paba yan ng matinong pusa? #fyp #cat #pusanggala🐈 #foryoupage ♬ MY THANG (GO GETTA 2) – O SIDE MAFIA

Sa panayam sa Inquirer, inihayag ni Ryan ang kwento sa likod ng video ng kanyang alagang si Gojo na kuha niya mula sa loob ng kanilang tahanan.

“That time po kasi papakainin ko sana yung pusa ko before I go to work. Then, nalaman kong wala yung pusa ko sa bahay,” ani Ryan. “Hinanap ko at doon ko nakita sa bubong ng kapitbahay namin,” dagdag pa niya.

Umani naman ng nakakatawang mga hirit mula sa netizens ang kanyang video:

“ma ano ulam” sasabihin pa nyan, iba na tlaga kabataan ngayon 🤣

“Naalala ko pusa ko, dalawang linggong nawala nangbababae lang pala HAHAHAHAHAHA”

“Sanaol may kusang umuwi. Yung akin, halos umiyak na ako ng dugo ayaw pa rin bumaba sa bubong ng kapitbahay namin. Hahahahhaa”