Hoy, makakabasag ka na naman! Jennylyn ‘kunsumido’ sa pagti-TikTok ni Dennis Trillo

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa relasyon nila Jennylyn at Dennis na puno ng kakulitan
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kinagigiliwan ng mga netizen ngayon ang pagkahilig ni Dennis Trillo na mag-post ng kung ano-anong video sa TikTok na nagpapakita ng kanyang kakulitan.

Kaya naman ang kanyang asawang si Jennylyn Mercado, napapailing na lang at natatawa sa tuwing may bagong paandar ang kanyang esposo.

“Hay nako Dennis, makakabasag ka na naman sa bahay!” tugon ni Jennylyn nang makita ang panibagong paandar ng asawa kung saan nag kanda split pa ito sa gitna ng kanilang sala.

Inamin din ni Jennylyn na napakalikot sa bahay ng kanyang asawa kahit kinikilala itong isa sa pinakamagagaling na dramatic actor sa Kapuso network.

@gmanetwork Jennlyn Mercado, nagsalita na sa mga TikTok videos ni @Dennis!!!! LAGOT KA!!! 🤣🤣🤣 #DennisTrillo #JennylynMercado #EntertainmentPH ♬ original sound – GMA Network

Aliw na aliw naman ang kanilang mga fans sa kulitan ng mag-asawa na para bang mag-boyfriend at girlfriend hanggang ngayon.

“Oo Ms. Jen baka mabasag pati itlog. Love you both,” joke ng isang netizen.

“Grabe cguro tawa ni ma’am Jen everyday.”

“Ang saya nila kasi matagal silang naging mag bf gf kaya kilala n nila ang isat isa.”

“Nakaka tuwa kayo mag asawa talaga pag ganyan asawa mo goodvibes lang kaso kamusta naman asawa ko.”