How to be you po? Mga netizens, bilib sa haba ng pasensya ni Jason Franciso sa 3 Melai ng kanyang buhay

Naubos ang energy ng mga netizens sa panonood sa kakulitan nina Melai Cantiveros, at dalawa niyang anak na si Mela at Stela, kaya ang kanilang tanong kay Jason, paano niya ito kinakaya?
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang comment sa post ng Francisco family ang sinang-ayunan ng mga netizens na bilb sa haba ng pasensya ni Jason sa tatlong Melai ng kanyang buhay.

Aliw ang mga netizens sa comment kung paano kinakaya ni Jason Francisco, na kilala bilang chill at tahimik, na sumabay sa trip ng kanyang asawang si Melai Cantiveros, at dalawa niyang anak na sina Mela at Stela, na manang-mana sa kanilang ina pagdating sa kakulitan at pagka-hyper.

“Need gawan ng documentary si Jason kung pano niya kinakaya ang tatlong Melai. Eme,” ani commenter sa isang screenshot ng pamilya Francisco habang pinagtutulungang asarin ng kanyang pamilya si Jason.

Mayroon din ngang humiling na magka-sitcom o reality show ang pamilya dahil tiyak na laugh trip ang mangyayari.

“Hahaha kahit diko nakikita daily routine nila natatawa na ako”

“Tapos yung mag narrate yung sa national geographic. Sir David Attenborough.”

“Kuhang kuha tlga pagka Melai”

“Sna meron sila sitcom tulad ng pamilya ni aga meron sila”